P5M nakataya sa Metro Anniversary Poker tourney

MANILA, Philippines - Ilan na ang nagsimula ng kanilang hangarin at inaasahang masusundan pa sa huling dalawang araw ng Metro Card Club 4th Anniversary P5-million Guaranteed Tournament sa premier poker room’s main branch sa Metrowalk Complex sa Ortigas, Pasig City.

Ang six-day event na nagsimula noong Huwe­bes ay nilahukan ng mga pla­yers, professionals at amateurs.

Bukod sa nasabing P10,000 buy-in main event, naglatag rin ang Metro ng ilang side events, kasama na rito ang P40,000 guaran­teed Pot Limit Omaha sa Linggo at ang Mixed No Limit Hold’em/Pot Limit Omaha Tournament sa Oktubre 25.

Nakatakda naman sa Lunes ang P30,000 buy-in Big Pot NLHE tournament kung saan maghaharap ang mga top poker players sa bansa.

Ang Metro ang pinakamalaki at pinakamagandang poker room sa bansa at may 30 tables para sa mga players mula sa low stakes hanggang sa high stakes cash game.

Sa kanilang 3rd year anniversary tournament noong 2010 ay may iniha­nay na guaranteed P3-million, kabuuang 633 pla­yers ang lumahok.

Si Oliver Roxas ang nanalo sa Metro Card Club Anniversary Tournament 2010 at iniuwi ang P750,000 kasama ang Asian PacificPoker Tour (APPT) Cebu package worth P150,000.

Para sa mga detalye bumisita sa www.metrocard­club.com or call 633-6536.

Show comments