Finals ikakamada ng Starmen at 100plus

MANILA, Philippines - Makakaharap ng Star Group of Publications ang Secret Spices-Wang’s Ball­club, samantalang ma­kakatapat ng 100plus Isotonic Sports Drink ang Parola Maritime sa dalawang knockout semifinal matches sa 2011 MBL Corporate Cup basketball tournament sa San Andres gym sa Malate ngayon.

Ang mananalo sa na­turang mga knockout semifinal matches ang mag-aagawan sa winner-take-all title showdown.

Nanguna ang Star Group sa elimination round sa kanilang 6-1 win-loss record kasunod ang 100plus ni coach Philip Yulo na may 5-2 slate.

Tinalo naman ng Secret Spices-Wang’s ang Gerry’s Grill, 83-67, at binigo ng Parola ang Manila-Hobe Bihon, 101-79, para makalaban ang Star Group at 100plus sa semis, ayon sa pagkakasunod.

Nagprotesta naman sina Manila-Hobe playing team manager Paul Almario at coach Raymond Reyes ukol sa kanilang kabiguan mula sa mga ineligible players ng Parola.

Ngunit binawi rin ito para sa “spirit of sportsman­ship.’

Muling aasahan ng Star, nasa isang six-game winning streak matapos matalo sa kanilang ope­ning-day match sa Parola, sina Jhong Bondoc, Lester Reyes, Dennis Rodriguez, Gil Roque, Gerald Ortega, Gio Coquilla, at former University of the East standout Chris Corbin.

Show comments