Pinoy bets umabante sa Wushu World Championships

MANILA, Philippines - Apat na sanda artist ng Pilipinas ang umabante sa round of 16 sa idinadaos na World Wushu Championships sa Ankara Sports Arena, Ankara, Turkey.

Tinalo ni Edward Folayang si Hama Jean Luc ng Vietnam; si Mark Eddiva ay nanaig kay Ryan Badran ng US; isang RSC ang kinuha ni Benjie Rivera kay Simeone Lo Presti ng Italy habang si PNG gold medalist Francisco Solis ay nanalo kay Rafael Tarverdiyev ng Azerbaijan.

Sina Folayang, Eddiva at Rivera ay mga bigatin sa sanda at si Folayang ay pambato rin sa mixed martial arts, si Eddiva ay isang bronze medalist sa 2010 Guangzhou Asian Games at si Rivera ay 2007 World bronze medalist.

Sinuwerte naman sina Dembert Arcita at Mary Jane Estimar na naglalaro sa 52 kilograms sa sanda (dating sanshou) dahil diretso na sila sa quarterfinals matapos ang bye sa first round dahil sa kakulangan ng kalahok.

Hindi naman lahat ay nauwi sa ma­gan­dang resulta sa koponang inilaban ng Wushu Federation Philippines (WFP) dahil bigo sina John Keithly Chan, Denver Parantac, Engelbert Addongan at Thomton Sayan sa taolo.

Tumapos lamang si Chan, ang World Juniors gold medalist sa ika-34th puwesto sa 104 kalahok sa changquan nang dalawang beses na nawalan ng timbang.

Si Parantac ay nalagay sa 26th at 28th si Sayan sa gunshu habang si Addongan ay nasa ika-36th place sa changquan.

Ang paglahok ng Pambansang koponan ay bilang bahagi ng paghahan­da sa asam na tagumpay sa 26th SEA Ga­mes sa Indonesia ngayong Nobyembre.   

Show comments