MANILA, Philippines - Sa hangaring pagsamahin sa isang laro ang kanilang mga best players, maghahanap ang Philippine Football Federation (PFF) ng mga Fifa-sanctioned international friendlies para sa Azkals.
Nakipaglaro ang Azkals (166th) laban sa higher-ranked Singapore (136th) at Nepal (135th) para samantalahin ang Fifa calendar days ngayong buwan at dinala ang mga pros na nakabase sa Europe.
“We have to bring them (Europe-based players) here or somewhere during the Fifa calendar days so they can (join the Azkals and) play against other national teams,” sabi ni PFF president Nonong Araneta. Ipinasok ng Fifa ang mga “international match days” sa kanilang calendar.
Ang susunod na friendly match ay nakatakda sa Nobyembrfe 11-15 ngunit maaaring hindi na ito kunin ng PFF dahil makakasabay nito ang pagsabak ng under-23 sa 26th Southeast Asian Games sa Indonesia.
Sa susunod na taon ay may nakatakdang friendly match day sa Pebrero 29.