Matinding bakbakan sa Super League

MANILA, Philippines - Matitinding bakbakan sa mga basketball teams ang ma­tutunghayan uli sa pagpapatuloy ng 1st Handy Fix Super League National Barangay Championship sa iba’t-ibang lugar.

Tatlong laro ang gagawin sa Sitio Central Covered Court at magkikita rito ang ang Brgy. Tuktukan laban sa Brgy. Maharlika sa ganap na alas-3 ng hapon; Brgy Tipas at Brgy. Bagumbayan sa ganap na alas-4:30 at Brgy. Central Bicutan laban sa Brgy. Fort Bonifacio dakong alas-6 ng gabi.

Ang aksyon sa Mindanao ay lalaruin sa Dona Salud Gym sa Brgy. Sasa, Davao City at katatampukan ng Brgy. Buhangin laban sa Brgy. 8 sa ganap na ika- 6 ng gabi at Brgy 7-A laban sa host Brgy. Sasa dakong alas-7:30 ng gabi.

Sa Vicente Sotto Gym naman ang aksyon sa Cebu City at kapapalooban ito ng tagisan ng Brgy. Pulpugan at Brgy. Punta Princesa sa ganap na ika-6 ng gabi at Pob­lacion Pardo laban sa Brgy. Camputhaw dakong alas-7:30 ng gabi.

Show comments