Powerade, Rain or Shine asam ang 2-0 record

MANILA, Philippines - Matapos ibandera ng Llamados si Tim Cone bilang bagong coach, ipapa­rada naman ng Aces si Joel Banal.

Lalabanan ng Alaska ang Barangay Ginebra nga­yong alas-6:30 ng gabi matapos ang banggaan ng Powerade at Rain or Shine sa alas-4:15 ng hapon sa 2011-2012 PBA Philippine Cup sa Ynares Center sa Antipolo City.

Sa kanyang paglipat sa B-Meg bago magsimu­la ang torneo, iniwan ng 53-anyos na si Cone ang 14 PBA championships na kanyang ibinigay sa Uytengzu franchise sa kanilang 22 taon na pagsasama.

Kaagad na nakatikim ng kabiguan si Cone nang ma­bigo ang Llamados sa Pet­ron Blaze Boosters, 69-73, noong Miyerkules.

Si Banal, naging assistant coach ni Cone sa Alaska mula noong 1990s, ay tinulungan sa pagkopo ng titulo ang Mapua sa NCAA noong 1990 at 1991, Ateneo sa UAAP noong 2002 at ang Talk 'N Text sa PBA sa 2003 All-Filipino Cup.

Sa unang laro, puntirya naman ng Tigers at Elasto Painters ang kanilang ikalawang sunod na panalo para makatabla sa liderato ang Boosters.

Mula sa 31 points ni Ga­ry David, tinalo ng Po­werade ang Shopinas.com, 98-87, noong Miyerkules na tinampukan rin ng 21 markers ni rookie Fil-Am Marcio Lassiter ng Smart Gilas Pilipinas.

Nilusutan naman ng Rain or Shine ni Yeng Guiao ang Ginebra ni Siot Tanquingcen, 94-93, noong na­­karaang Linggo.

“We need more hard work and put our mind into our goal, which is to defend as a team," sabi ni coach Bo Perasol sa kanyang Tigers. "I just know it takes a lot of commitment to do that since it’s not as popular as offense. It needs hard work. It’s not going to be comfortable.”

Nangako ang 6-foot-2 na si Lassiter na patatahimikin niya si No. 2 overall pick Paul Lee.

Umiskor si Lee ng 21 markers sa panalo ng Elasto Painters laban sa Gin Kings.

“Basta gagawin ko lang ang lahat ng magagawa ko para manalo ang team namin,” sagot naman ni Lee, dating kamador ng UE Red Warriors sa UAAP.  

Show comments