MANILA, Philippines - Umiskor ng magkahiwalay na panalo ang Barangay 76 AIMS at ang Barangay 17 sa Pasay leg ng 1st Handy Fix Super League National Barangay Championships.
Tinalo ng Barangay 76 AIMS sa pamumuno nina Ian Melencio at Romy Arce ang Barangay 18, 85-78.
Pinayukod ng Barangay 17 sa likod nina Aldrin Telpo at Mark Yambot ang Barangay Pasay SK Selection, 69-55.
Matapos ang paggupo sa Barangay 18, binigo naman ng Barangay 76 AIMS ang Barangay 17, 88-81, habang pinadapa ng Barangay 18 ang Barangay Pasay SK Selection, 92-47.
Ang torneo na inorganisa ni Magna Prime GM Derrick Tan ay nagbuklod sa mga barangay teams para sa city, regional at nationals championships na nakatakda sa Nobyembre
Ang mga aksyon sa Visayas at Davao ay nagpapatuloy sa kasalukuyan.
Makukuha ng national champion ang premyong P25,000, ang 1st runner-up ay P15,000, ang 2nd runner-up ay P10,000 at ang 3rd runner-up ay P5,000.