MANILA, Philippines - Bukod sa kampeonato, ang national ranking rin ang paglalabanan ng mga shuttlers para sa VP Binay Grand Prix Badminton Open Championships-PBaRS 4th leg sa Oktubre 23-29 sa PowerSmash sa Makati.
Ang week-long event na nagsisilbing pagtatapos ng isang four-leg circuit ay idinaos sa Makati noong Marso at dinala sa Bacolod at Davao noong Mayo at Hulyo, ayon sa pagkakasunod.
Inihahandog ng MVP Sports Foundation at Robinsons Land Corp., ang VP Binay GP ay ang serye ng mga torneo ng PBaRS na inilunsad nina Vice President at Philippine Badminton Association president Jejomar Binay, Rep. Albee Benitez at businessman-sportsman Manny Pangilinan.
Ang deadline para sa 4th leg ay nakartakda sa Oktubre 7 sa alas-5 ng hapon sa PBaRS office (20. E. Maclang St. San Juan). Ang elims ay gagawin sa Powersmash sa Makati at ang quarterfinals, semifinals at finals ay lalaruin sa Philsports Arena o sa Ynares Sports Arena sa Pasig.
Ang mga events na lalaruin ay ang Open, Under-19 at Under-15 divisions sa men’s at ladies singles at men’s and ladies doubles at mixed doubles categories.
Sina Open men’s singles champion Antonino Gadi at U-15 singles titlist Markie Alcala ay naghahangad ng pagwalis sa apat na yugto ng circuit na inihahandog ng PLDT Smart Foundation, Robinsons Mall, Bingo Bonanza Corp., Gatorade at official equipment sponsor Victor.