MANILA, Philippines - Wala ng dahilan pa para mangarap ang mahihilig sa boxing na makita ang Pambansang kamao na si Manny Pacquiao na magdaos ng title fight sa Pilipinas.
Ang katotohanang mil-yong dolyares na ang kinikita sa gates ng malalaking laban sa US ang siyang pangunahing dahilan kung bakit hindi na mapapanood pa si Pacquiao na lumaban pa sa kanyang sariling bansa.
“Zero,” wika ni Top Rank Promoter Bob Arum sa tsansang makalaban pa si Pacman sa Pilipinas.
“We’re doing gates now in Las Vegas from $11 to $12 million,” dagdag pa nito.
Bukod dito, ang magkaibang oras ng Pilipinas sa US ang isa rin sa malaking sagabal lalo na kung pagsasaere sa US ng laban ang pag-uusapan.
“The problem is you have to hold the fight in the Philippines early Sunday morning so it will be prime time in the US,
Si Pacquiao ay magdedepensa ng kanyang WBO welterweight title laban kay Mexican Juan Manuel Marquez at ang ikatlong pagtutuos ng dalawa ay isang sell-out sa MGM Grand Arena sa Las Vegas sa Nobyembre 12.
Huling lumaban sa Pilipinas si Pacquiao ay noong pang Hulyo, 2006 laban kay Oscar Larios sa Araneta Coliseum.