Gerry's Grill, Manila Hobe umusad sa susunod na round

MANILA, Philippines - Pinayuko ng Gerry’s Grill ang Duraville Realty, 92-84, habang pinabagsak ng Manila-Hobe Bihon ang Makati Medical Center, 104-79, upang pormal na umabante sa susunod na round ng 2011 MBL Cor­porate Cup basket­ball championship sa San Andres gym sa Malate.

Apat na players, sa pangunguna ni dating PATTS standout Rene Boy Banzali, ang gumawa ng double-digit scores upang tulungan ang Gerry’s Grill na labanan ang matikas na pagsubok mula sa Duraville at masungkit ang ikaapat na panalo sa limang laro sa eight --team tournament na itinataguyod ng Cebuana Lhuillier, Ironcon Builders, Dickies Underwear, PRC Couriers at WG Diner.

Si Banzali ay humugot ng game-high 30 puntos, ha­bang si John Gonzales ay nagdagdag ng 23 puntos at si Topher Manalili ay nag-ambag ng 15 puntos para kay coach Wilson Sia-mentored Gerry’s Grill.

Samantala, sumandal ang Manila-Hobe sa isang balanseng atake mula kina ex-PBA player Al Vergara, Charles Mislang, Bernard Labro, Jerome de Guzman at Paul Edward Almario upang tuluyanng igupo ang Makati Med at selyuhan ang kanilang 3-4 kartada katabla ng Secret Spices.

 Ipinahayag ni tournament director Albert Andaya na ang unang dalawang teams ay agad aabante sa semis, habang ang apat na kasunod na koponan ay magtutuos sa dalawang knockout games para sa na­titirang semis slots.

Ang winner ng laro ng No. 3 at No. 6 teams ay haha­rap sa No. 2 team, habang ang mananalo sa laban ng No. 4 at No. 5 teams ay sasagupa sa No. 1 team sa panibagong knockout matches sa semis.

Ang championship ay isang winner-take-all affair. 

Show comments