Orcollo paborito sa Nat'l Pool Championships

MANILA, Philippines - Malalagay na paborito si dating world number one Dennis Orcollo sa paglahok niya sa National Pool Championships ng Billiards and Snooker Congress of the Philippines na magsisimula bukas sa Star Billiards Center sa Quezon City.

Sariwa si Orcollo sa pagkapanalo sa Predator 10 ball title noong nakaraang linggo pero masusukat siya dahil sa pagsali rin ng mga bigating manunumbok ng Pilipinas.

Ang mga hahamon kay Orcollo ay ang mga world champions din na sina Ronnie Alcano, Lee Van Corte­za, Antonio Lining, Carlo Biado at Roberto Gomez.

Kasali rin sina Jogjakar­ta 9-ball champion Victor Arpilleda, 2010 Guiness champion Jundel Mazon at ang pambatong junior player ng bansa Jonas Magpantay.

Ang kompetisyon ay hinati sa tatlong kategor­ya sa kalalakihan at ang unang labanan mula Oktubre 3 hanggang 5 ay sa 8-ball, bago sundan ng 9-ball mula Oktubre 6 hanggang 8 at magtatapos ito sa larong 10-ball mula Oktubreo 9 hanggang 11.

May nakalinya ring laro para sa kababaihan pero nakasentro la­mang ito sa 10-ball at sa­sargo mula Oktubre 6 hanggang 8.

Katuwang ng kompetis­yon ang AKTV IBC-13 na siyang magsasaere ng mga laro. Ang semifinals at finals ng kompetisyon ay mapapanood sa telebisyon mula Oktubre 9 hanggang 11.

Show comments