Al-Hussaini, All-rookie team, Caguioa pararangalan ng PBAPC

MANILA, Philippines - Sina Mark Caguioa ng Barangay Ginebra at 2010 No. 2 draft pick Rabeh Al-Hussaini ng Petron Blaze kasama ang apat pang players ang tatanggap ng parangal sa 2011 PBA Press Corps Awards bukas sa Topaz Room ng Gateway Suites sa Cubao, Quezon City.

Tatanggapin ni Caguioa ang Accel-PBA Order of Merit, habang si Al-Hussaini, kasama sina Petron teammate at top pick Noy Baclao, Ginebra guards Robert Labagala at John Wilson at Sean Anthony ng Powerade ang bubuo sa Energen All-Rookie Team.

Nahirang naman si ga­me official Jimmy Mariano bilang Referee of the Year.

Si Supreme Court Chief Justice Hon. Renato C. Corona ang magiging Guest of Honor at Speaker.

Nahirang sina Talk N Text’s Jason Castro at Petron Blaze’s Arwind Santos at Danny Ildefonso bilang Maynilad-Mr. Quality Minu­tes, Sapal Elastic Sealant Defensive Player of the Year at Comeback Player of the Year, ayon sa pagka­kasunod.

Itatampok sa seremon­ya ang pagbibigay ng Virgilio “Baby” Dalupan Trophy at ng Danny Floro Trophy sa Coach of the Year at Executive of the Year, ayon sa pagkakasu­nod.

Sina Talk ‘N Text coach Chot Reyes at team owner Manny V. Pangilinan ang paboritong manalo ng nasabing awards na inihahandog ng San Miguel Corp., Talk N Text at Powerade.

Show comments