PTA kumpiyansa kay Morrison para sa gold

MANILA, Philippines - Kumpiyansa ang Philippine Taekwondo Association (PTA) na kikinang din ang men’s team kahit wala na ang Olympian Tsomlee Go.

Si Go ay nagretiro na pero may mga papalit na jins na handang magbigay ng karangalan sa nalalapit na SEA Games sa Indonesia ngayong Nobyembre.

Si Butch Morrison na nanalo ng pilak sa World University Games ang isa sa sinisipat na papalit sa puwestong iniwan ni Go.

“Butch won a silver medal in the recently held World University Games and we strongly fee that he can ably fill in the shoes left by Tsomlee,” wika ni head coach Rocky Samson.

Si Go ay nagwagi ng gin­to sa Laos SEA Games sa featherweight at ito naman ang lalaruang timbang din ni Morrison.

Inaasinta ng PTA ang maduplika ang apat na gin­to na napanalunan noong 2009 at bukod kay Morri­son, ang iba pang inaasa­hang mananalo ay sina Alexander Briones, Ma. Antoinetter Rivero at ang world champion poomsae team nina Carla Lagman, Rani Ann Ortega at Francesca Alarilla.

Palalakasin ang paghahanda ng national team sa pagtungo nila sa South Korea para sa training. 

Show comments