Super League hahataw sa Cebu, Taguig at Davao

MANILA, Philippines - Muling magpapatuloy ang hostilidad sa 1st Handy Fix Super League National Barangay Championship ngayon mula sa mga mag­kakasabay na laro sa Ta­guig, Cebu at Davao.

Sa Taguig, lalabanan ng Barangay Bagumbayan ang Barangay Tuktukan, habang haharapin ng Brgy. Maharlika ang Brgy. Cent at sasagupaing ng Brgy. Tipas ang Brgy. Fort Bonifacio.

 Magtatagpo naman sa Cebu ang Brgy, Camputhaw at Consolacion at ang Brgy. Punta Princesa kontra sa Brgy. Apas sa Don Vicente Sotto Gym.

Sa Davao, magsasagupa ang Brgy. 74-A at Brgy. Agdao at makakatagpo ng Brgy. 76-A ang Brgy. 38-D sa Brgy. 76-A Bucana court.

Ang torneo na suportado ng Sapal Elastic Sealant at Waterproofer ang magdadala sa top two finishers ng Cebu City elimination sa regional finals laban sa champion teams buhat sa Lapu-Lapu City at Talisay City, ayon kay Magna Prime GM Derrick Tan.

Show comments