MANILA, Philippines - Bagamat may ilang problema at injuries na nakaharap papasok sa 87th season ng NCAA basketball tournament , nakakuha pa rin ng respeto mula sa kanilang mga kalaban ang Perpetual Altas.
Ang Perpetual Help ang unang koponang napatalsik para sa tiket sa Final Four mula sa kanilang 3-12 win-loss record.
Subalit ang kanilang limang kabiguan sa second round ay pawang 7 puntos lamang ang agwat.
Maliban sa pagpapalit ng head coach, hindi rin nakapaglaro para sa Altas sina Paul Nulian at Marlon Gomez bunga ng eligibility issue.
Naglaro rin ang Las Piñas-based team na may mga injury ang kanilang big men na sina Mark Sumera at George Allen.
Maliban sa kanilang 55-69 pagyukod sa San Beda sa pagbubukas ng second round noong Agosto 22, natalo lamang ang Perpetual sa Mapua ng 3 points, 62-65, sa Emilio Aguinaldo ng 6 points, 71-77, at sa San Sebastian ng one point, 76-77.
"The school is behind our team, we're proud of them," ani league president at policy board chairman Anthony Tamayo ng Perpetual.