Poblacion Pardo, Brgy. Pulpogan wagi sa Cebu leg

MANILA, Philippines - Umiskor ang Cebu City’s South District powerhouse Poblacion Pardo at Barangay Pulpogan ng Consolacion ng lopsided na panalo nitong Linggo sa first Handy Fix Super League National Barangay Championship sa Capitol Parish gym sa Cebu.

Tinalo ng Pardo   ang kapitbahay na Punta Princesa, 81-59, habang nangibabaw naman ang Consolacion-based Pulpogan sa Apas, 89-55 sa main game.

Bumandera ang magkapatid na Rexon at Russell Moneva nang gumawa ng tig-22 puntos para sa Pulpogan na agad na inilista ang 20-0 lead sa kaagahan ng laban tungo sa kanilang panalo.

Nagdagdag naman sina Ronald Somosot at Jervie Ermas ng 16 at 15 puntos, ayon sa pagkakasunod.

Samantala, kinailangan naman ng Ope Abellana-mentored Poblacion-Pardo ng 22-12 bomba sa third quarter upang dominahin ang Punta Princesa.

Magbabalik ang nasabing torneo na suportado rin ng Sapal sa Sabado sa Don Sergio Osmeña Sr. Memorial Gym sa Atillo Compound sa Punta Princesa.

Show comments