MANILA, Philippines - Tatangkain ng Star Group of Publications na masungkit ang unang outright semis berth sa gagawing pakikipagtuos sa upset-conscious Secret Spices sa MBL Corporate Cup basketball championship sa Aquinas gym sa San Juan.
Nakatakda ang laro sa alas- 6:30 ng gabi.
Sa pamamahala nina coach Alfred Bartolome at manager Mike Maneze, ang Star Group ay tangka ang ikalimang dikit na panalo matapos mabigo sa una nitong laro sa kamay ng Parola Maritime sa eight-team tournament na itinataguyod ng Cebuana Lhuillier, Ironcon Builders, Dickies Underwear, PRC Couriers at WG Diners.
Ang Star ay kasalukuyang tabla sa Parola para sa unang pwesto sa bisa ng 4-1 win-loss slate.