Hawks dumiretso sa 12 dikit na panalo

MANILA, Philippines - Ipinagpatuloy ng nagdedepensang University of Manila ang kanilang pana­nalasa matapos biktimahin ang Informatics, 76-71 at ilista ang kanilang ika-12th sunod na panalo sa pagbabalik aksyon ng NAASCU men’s basketball tournament sa Makati Coliseum kahapon.

Bumandera si Euge­ne Torres sa opensa ng league-leading Hawks sa kanyang tinapos na 22 puntos na sinundan ng 15 puntos ni Jeff Alvin Viernes.

Ang panalong ito ng Sampaloc-based dribblers ay sapat na upang lalo pang mapasolido ang kanilang pag-okupa sa itaas ng stan­ding taglay ang 12-1 win-loss slate sa ligang ito na inorganisa ni Dr. Ernesto ‘Jay’ Adalem ng host school St. Clare-Caloocan.

Binalikat naman nina Mark Montuano at Jiovani Jalolon ang Icons sa tinapos na 19 at 18 puntos, ayon sa pagkakasunod.

Sa isa pang senior ga­me, pinayuko ng Our Lady Of Fatima University ang AMA Computer University, 78-70.

Samantala, bumangon naman ang junior counter part ng AMA matapos na igupo ang STI, 80-66 sa junior division.

Show comments