MANILA, Philippines - Naiwasan ng FEU na makabangga agad ang 3-peat defending champion FEU nang talunin nila ang La Salle, 66-57, sa pagtatapos ng UAAP men’s basketball elimination round kahapon sa Araneta Coliseum.
Tumipak ng 19 puntos si RR Garcia, habang 18 at 17 naman ang ginawa nina Aldrech Ramos at Terrence Romeo, ayon sa pagkakasunod, para wakasan ng Tamaraws ang double round elimination tangan ang 9-5 baraha.
Kinailangang magpakatatag ang Tamaraws sa second half dahil napag-iwanan nga sila ng Green Archers, 27-33, sa halftime.
Si Simon Atkins na tulad ni Maui Villanueva ay nagtapos na ang playing career sa UAAP ay gumawa ng 16 puntos pero hindi niya kinaya na balikatin ang koponan sa mas maalab na laro sa second half ng Tamaraws upang wakasan ng La Salle ang kampanya sa ikapitong puwesto sa 5-9 baraha.
Ang tres ni Atkins ay nagbigay sa Gren Archers ng 43-38 bentahe pero gumawa ng 3-point play sina Russel Escoto at Garcia para pasimulan at tapusin ang 10-4 bomba upang mahawakan na ng Tamaraws ang kalamangan sa laro sa 48-47 papasok sa fourth quarter.
Nauna rito ay nilapa ng National University ang UST, 73-49, upang magtapos lamang ang Tigers sa ikaapat na puwesto.
Pilay ang UST dahil suspindido si Karim Abdul at wala silang naipantapat kina Bobby Ray Parks, Jr. at Emmanuel Mbe para makita rin ang four-game winning streak na nagwakas na.
Si Parks ay mayroong 22 puntos, 8 rebounds at 6 assists at 11 rito ay ginawa niya sa huling yugto para tuluyang maibaon ang Tigers.
Sa pangyayari, ang FEU ang makakaharap ng second seed Adamson.
Ang Tigers naman ang makakasukatan ng Blue Eagles sa Final Four na magsisimula sa Huwebes.
Dahil tumapos sa unang dalawang puwesto, ang Ateneo at Adamson ay hahawak ng ‘twice-to-beat’ advantage at kailangan lamang manalo sa Huwebes para itakda ang kanilang pagkikita sa best-of-three championship series.
NU 73 – Parks 22, Mbe 14, Javillonar 9, Labing-isa 8, Singh 6, Alolino 5, Roño 5, Neypes 4, Celiz 0, Magat 0, Villamor 0.
UST 49 – Teng 19, Fortuna 8, Lo 7, Camus 5, Vigil 3, Aytona 2, Pe 2, Ungria 2, Ferrer 1, Javier 0, Lao 0, Sheriff 0, Tan 0.
Quarterscores: 23-12; 29-25; 47-35; 73-49.
FEU 66 – Garcia 19, Ramos 18, Romeo 17, Escoto 5, Cruz 4, Bringas 2, Pogoy 1, Exciminiano 0, Knuttel 0, Tolomia 0.
DLSU 57 – Atkins 16, Mendoza 11, Van Opstal 11, Webb 11, Marata 2, Paredes 2, Revilla 2, Vosotros 2, Dela Paz 0, Tampus 0, Torres 0, Villanueva 0.
Quarterscores: 14-11; 27-33; 48-47; 66-57.