NCAA player maglalaro sa Iran sa FIBA-Asia Championships

MANILA, Philippines - Inamin ni Smart Gilas Pilipinas coach Rajko Toroman na mas magiging mabigat na koponan ang defending champion Iran matapos payagan ng kanyang US varsity team si star forward Arsalan Kazemi na maglaro sa darating na 2011 FIBA-Asia Men’s Championship na naka­tak­da sa Setyembre sa Wuhan, China.

Ayon sa fibaasia.net, si Kazemi ay pinayagan ng Rice University na sumama sa Iranian team para sa pagdedepensa sa kanilang Asian championship.

“He would be an added strength for Iran. He’s in a top NCAA team. He’s the most talented Iranian pla­yer,” sabi ni Toroman kay Ka­zemi.

Nakataya sa 2011 FIBA-Asia Men’s Championship ang isang tiket para sa 2012 Olympic Games sa London.

Ang 19-anyos na si Kazemi ay nagtala ng mga averages na 12 points at 7.4 rebounds para sa Iran sa 2010 World Championship sa Turkey.

Si Kazemi ay tutulong kay 7-foot-2 center Hamed Haddadi.

Samantala, nakipag-en­sayo na si Kelly Williams ng Talk ‘N Text sa Smart Gilas kahapon.

Show comments