MANILA, Philippines - Lumakas ang puwersa ng mga rifle shooters sa bansa nang idaos ang kauna-unahang Sniper Shooting competition sa Taytay Tactical Rifle Range sa Rizal.
Ang nasabing four-day event, hinati sa master, expert, sharpshooter, marksman at tyro, ay nilahukan ng mga matitikas na riflemen.
Dumagsa ang mga rifle group ng small bore .22 at big bore .223 mula sa Luzon, Visayas at Mindanao.
“Rifle group is indeed, the fastest growing shooting group in the country now,” sabi ni Philippine National Shooting Association (PNSA) president Mikee Romero. “I’m thanking everybody for their all-out support. The event was a huge success.”
Kumamada sa torneo si veteran sniper instructor Randy Poronda na naghari sa tatlo sa apat na events na kanyang sinalihan.
Nakahati ni Poronda sa eksena si Southern Luzon Command (SOLCOM) chief Lieutenant Major General Roland Detabali (Army), nagwagi sa sharpshooter division sa side event.