Mga batang jins magpapakitang gilas sa 'Nikki Coseteng Cup'

MANILA, Philippines - Hahataw sa Oktubre ang Diliman Preparatory School Quezon City (DPS QC) Age-Group Taekwondo Championships.

Ang torneo na tatawa­ging ‘Nikki Coseteng Cup’ para sa pangulo ng DPS at dating senador, ay ina­asahang magdadala ng 1,200 kalahok mula sa mga paaralan sa National Capital Region. Ang DPS ang taunang venue ng kom­petisyong kinikilala ng Philippine Taekwondo Asso­ciation.

Bulod sa certificates at medalya na matatanggap ng mga mananalo, sila rin ang kakatawan sa Pilipinas sa 4th Chicago International Taekwondo Winter Games sa Illinois sa Nobyembre 11-13.

Ang delegasyon ng Pilipinas ay pangunguna­han ni Coseteng at iko-coach ni Nap Dagdagan Jr.

Para sa detalye tumawag sa (0928) 525-28­35, (02) 4340954 o sumulat sa napjr_tkd@yahoo.com.

Show comments