Paronda, Gonzales wagi sa Sniper shootfest

MANILA, Philippines - Ipinutok ni Randy Paronda ang kanyang ikatlong gintong medalya, habang isang dating taekwondo jin cum boxer at TV director ang umagaw ng eksena sa high-powered competition ng Philippine National Shooting Association (PNSA) Sniper Shooting Competition noong Linggo sa Taytay Tactical Rifle Range sa Rizal.

Kumuha ng dalawang golds medal sa small bore rifle (.22), idinagdag ni Paronda ang Master Rifleman Semi-Auto Open division title matapos talunin sina Luis Gonzales, Stephen Santiago, Joe Guerrero at Jorge Gacula.

“There’s no more doubt that Paronda is one of the deadliest shooters in the country today,” sabi ni Mikee Romero na ang kanyang Harbour Centre ang namahala sa naturang four-day event, kasama na rito ang small bore rifle competition noong nakaraang linggo.

Inangkin naman ni Gonzales, naging direktor ng mga TV shows para sa kanyang ex-wife at singer na si Kuh Ledesma, ang senior semi-auto open category at ang senior semi-auto standard category.

Show comments