Kramer, Vanlandingham dinala ng ROS sa Powerade; Casio, Lee inaasahang pag-aagawan sa 2011 PBA Draft

MANILA, Philippines - Dalawang araw bago ang 2011 PBA Rookie Draft ay kumilos na ang Rain or Shine at Powerade para sa isang trade.

Ibinigay ng Elasto Pain­ters sina Doug Kramer at Josh Vanlandingham sa kam­po ng Tigers kapalit ni JR Quiñahan at isang 2014 se­cond round pick.

“We had to release Josh Vanlandingham to create space for our draftee,” ani Rain or Shine coach Yeng Guiao.

 Nagkaroon na rin ng pa­­litan sa coaching staff ng Ba­rangay Ginebra.

Ibinalik ng San Miguel Corporation si Siot Tanquingcen sa pagiging head coach kasabay ng pagbaba ni Jong Uichico bilang assistant.

Sa ilalim ni Uichico, nag­tala ang Gin Kings ng 34-24 win-loss record sa ka­tatapos na 36th season ng PBA.

Natalo rin ang Ginebra sa Talk ‘N Text sa 2011 PBA Commissioner’s Cup Finals. 

Samantala, sa kawalan ng mga do­minanteng sentro, itinuon ng mga coaches ang kanilang pansin kina guards JV Casio ng De La Salle University at Paul Lee ng University of the East para sa 2011 PBA Rookie Draft na nakatakda bukas ng hapon sa Robinsons Place sa Ermita, Manila.

Si Casio ang sinasabing mapipili ng Powerade bi­lang No. 1 overall pick mula sa kanyang magandang inilaro para sa Smart Gilas-Pilipinas.

“Well, there’s no question na malaki ang kakula­ngan namin sa guard spot,” sabi ni Tigers’ coach Bo Perasol. “So Casio is definitely a strong contender. He is one of the best talents out there.”

Sina Casio at Lee, parehong outside shooter, ang sinasabi rin ni Petron Blaze coach Ato Agustin na gusto niyang makuha.

“Ako JV (Casio) or (Paul) Lee ang gusto ko. Iyon ay kung a­a­bot sa amin,” sabi ni Agus­tin, igi­niya ang Boosters sa kam­peonato ng nakaraang 2011 PBA Governors Cup laban sa Talk ‘N Text Tro­pang Texters, na pipili bilang No. 8.

Bukod kina Casio at Lee, ilan pang manlalaro ng Smart Gilas ang napupu­suan ng Barako Bull, pumalit sa Air21, na huhugot sa No. 3.

“With no dominant big man available, you can see who are the possible top five picks,” ani mentor Ju­nel Baculi kina Smart G­ilas stalwarts Marcio Lassi­ter, Chris Lutz at Mac Ba­racael.

Ilang tinatawag na `sle­eper’ rin ang maaaring ma­kuha.

Isa na rito ay si Julius Pas­­cualado, isinilang sa Ce­bu ngunit lumaki sa Uni­ted States, na nagpakita ng hu­say sa three-day Rookie Camp.

Maaari ring makuha si­na Smart Gilas pla­yers Mark Barroca, Dylan Aba­bou at Jason Ballesteros bu­kod pa kina shooting guard Eric Salamat ng three-time UAAP men’s bas­ketball champion Ateneo Blue Eagles, James Mar­tinez ng University of the East, FEU center Reil Cervantes at University of Santo Tomas’ sniper Allein Maliksi.

Show comments