2011 Sniper shootfest gagamitan ng 'open' time

MANILA, Philippines - Nakatakdang idaos ng Philippine National Shooting As­sociation (PNSA) ang kauna-unahang 2011 Sniper Shooting Competition bukas sa Taytay Tactical Rifle Range sa Rizal.

Ang mga partisipante sa .22 (small bore rifle) ay magka­karoon ng “open” time para tamaan at makum­pleto ang kanyang targets--isang bagong formula na inaasahang magdadagdag ng kasabikan sa torneo.

“That’s the new twist,” sabi ni PNSA president at Harbour Centre CEO Mikee Romero. “That’s a challenge to the participants. They have to be sharp and fast.”

Sinabi ni tournament director Boy Banaag na ang pagtatampok sa “open” time ang magpapabilis sa kom­petisyon.

“We expect a huge field, so if one participant will be given a one minute to complete his or her routine then that will take a lot of time,” ani Banaag. “Kung “open” ang time, at mabilis ka, you have a good advantage na. At maganda niyan, matatapos ng maaga ang tournament, di katulad noon na inaabot kami ng gabi.”

Ang .22 (small bore rifle), ayon naman kay Romero, ay ang unang bahagi ng two-event shootfest na naglalayong mapalakas ang pagkilala sa shooting.

Ang high-powered rifle ay ipuputok naman sa Agosto 26-28. Ito ay tatampukan ng demo ng crack shooters ng Philippine Marine Corps.

“The event will signal the start of the rifle aggrupation growth. The .22 shooting community is growing rapidly because it’s affordable and anybody can shoot in this event,” wika ni Romero.

Show comments