Lady Altas, Knights nalo sa beach volley

MANILA, Philippines - Naisulong ng University of Perpetual Help System Dalta sa 4-0 ang karta sa NCAA beach volley sa ka­­babaihan nang manalo ang koponan sa Emilio Aguinaldo College nitong nagdaang linggo sa La Salle Greenhills sand courts.

Hindi napigil ang ma­gandang tambalan nina April Ann Sartin at Norie Diaz nina Charmille Belleza at Charlette Lorenzo ng EAC tungo sa 21-17-, 21-14, panalo.

Nais ng Lady Altas na ma­panatili ang titulo sa beach volley pero nagbabadya naman ang Letran Lady Knights na pigilan ito matapos pantayan sa itaas ng standings ang UPHSD nang manalo sina Gena Andaya at Manel Carolino laban kina Rossan Fajardo at Jannine Navarro ng St. Benilde, 21-16, 21-15.

Samantala, bubuksan naman ngayon ang NCAA swimming competition at ang host school ay magnanais din na magkaroon ng magandang ipakikita sa larong gagawin sa Rizal Memorial Swimming pool.

“Our wish for all our team is to compete with pride and represent the school well,” mensahe naman ng pangu­lo ng paaralan at kasalukuang NCAA president at Policy Board chairman Anthony Tamayo.  

Show comments