MANILA, Philippines - Nanatiling walang talo ang National University at Ateneo sa larangan ng badminton matapos ang apat na rounds sa 74th UAAP season.
Tinalo ng NU men’s team ang Ateneo, 3-2, bago isinunod ang Adamson, 5-0, sa pagpapatuloy ng labanan nitong Linggo sa Rizal Memorial Badminton Hall.
Bumawi naman ang Lady Eagles nang blangkuhin ang Adamson, 5-0, at hiritan ng 3-2, iskor ang La Salle upang makasalo ang FEU sa 4-0 karta.
Kinalos ng Lady Tams ang UST, 4-1 at Adamson, 5-0, sa kanilang mga laro.
Ang kabiguan ng Eagles sa NU ay nakaapekto sa laro nila laban sa FEU nitong Linggo nang matalo rin sila sa 1-4 iskor para malaglag sa 2-2 karta.
Ang La Salle ay may 3-1 karta ang huling panalo ay kinuha sa UST, 4-1, habang ang FEU ay may ganito ring baraha matapos ang 5-0 shutout tagumpay sa UE.
Kinuha naman ng UST ang ikalawang panalo sa apat na laro nang durigin ang UE, 5-0. Nalaglag ang Amazons sa tabla sa UP sa 1-3 baraha habang ang Adamson ay hindi pa nananalo sa tatlong laro.