Generals tumiklop sa Knights

MANILA, Philippines - Napanatili ng Letran ang pagkakahawak sa ikat­long puwesto sa stan­dings sa pamamagitan ng 76-67 panalo sa Emilio Aguinaldo College sa 87th NCAA men’s basketball kahapon sa The Arena sa San Juan City.

May 18 puntos at 20 re­bounds si Jam Cortes habang 15 naman ang ibi­nigay ng 6’7 na si Raymund Almazan para sa Knights na tinuhog ang ikalawang sunod na panalo tungo sa pumapangatlong 6-2 karta.

Lumayo sa 66-52 kalamangan ang Knights pero hindi tumiklop agad ang Generals na gumanti ng 12-4 bomba para lumapit sa anim, 64-70.

Pero humigpit uli ang de­pensa ng Knights upang malimitahan lamang sa tat­long puntos ang General sa huling tatlong minuto ng labanan para ipatikim sa tropa ni coach Gerry Esplana ang ikalimang ka­biguan sa walong laro.

Winasak naman ng Arellano ang apat na sunod na kabiguan nang kakitaan ng tibay sa endgame tungo sa 64-60 panalo laban sa College of St. Benilde sa isa pang laro.

May 15 puntos si Adrian Celada at kinumpleto niya ang pagbibida sa Chiefs nang ipasok ang dalawang mahalagang freethrows may 8.6 sa orasan na nag­bi­gay ng apat na puntos na kalamangan.

 Umangat ang tropa ni coach Leo Isaac sa 2-6 karta habang nalaglag ang bataan ni coach Richard del Rosario sa 3-5 baraha.

Letran 76--Cortes 18, Almazan 15, Belorio 10, Dysam 9, Cruz 9, Alas K. 7, Racal 3, Mendoza 2, Alas J. 2, Espiritu 1

 EAC 67--Torralba 17, Paguia 16, Jamon 11, King 6, Chiong 5, Vargas 4, Cubo 4, Sanchez 2

Quarterscores: 21-18, 39-35, 61-52, 76-67

 AU 64--Celada 15, Acidre 12, Lapuz 11, Caperal 9, Doligon 9, Zulueta 4, Pagayunan 4, Palma 0, Gumaru 0.

CSB 60--Taha 21, Grey 11, Romero 7, Altamirano 6, Lastimosa 4, McCoy 4, Dela Paz 3, Sinco 2, Tan 2.

Quarterscores: 17-9, 32-25, 49-44, 64-60.

Show comments