3-peat puntirya ng Altas sa beach volley

MANILA, Philippines - Sisikapin ng host Uni­ver­sity of Perpetual Help Sys­tem Dalta na bigyan ng ningning ang hosting sa 87th NCAA sa pagpuntirya ng ikatlong sunod na titulo sa beach volleyball.

Magbubukas ang na­sa­­bing torneo sa Saba­do sa La Salle Greenhills at ipaparada ng Lady Altas sina April Ann Sartin at No­rie Diaz para sa hanga­ring madugtungan ang ta­gumpay na naiposte ng koponan sa huling dalawang edisyon.

Si Keshia de Luna ang da­ting kapareha ni Sartin pero ang two-time MVP ay hindi na masisilayan dahil tapos na ang kanyang pla­ying years sa NCAA.

“Laban pa rin kami at talagang nag-eensayo kami nang husto para patuloy na bigyan ng karangalan ang aming paaralan at hindi masayang ang suporta sa amin ni Dr. Anthony Ta­mayo,” wika ni coach Mike Rafael.  

Show comments