Sam Milby 3rd sa Beginner Open Prod

MANILA, Philippines - Nagtapos si singer-actor Sam Milby bilang third placer sa Beginner Open Prod sa 7th Leg ng 2011 Enersel Forte Philippine National Motocross Series sa Molino 3 sa Cavite City.

Pumuwesto rin si Milby sa No. 9 sa Novice Open Prod ng prestihiyosong ka­rera na nagdala sa Cavite ng pinakamahuhusay na national at amateur ri­ders mula sa lahat ng age cate­gories.

Isang araw bago ang national series, ginanap din ang 8th leg ng CEO JYL Motocross Invitational Cup sa pagdiriwang ng ika-43 kaarawan ni SEL-J Sports’ CEO Jay Y. Lacnit, kilala bi­lang “Hari ng Motocross.”

Bago ito, nagsagawa ang SEL-J Pharmaceuti­cals ng medical mission sa Molino 3 na nakatulong sa libu-libong residente na nabigyan ng libreng ga­mot at konsultasyon. Ang medical mission ay laging parte ng kaarawan ni Lacnit bilang pagbabahagi ng mga biyayang kanyang natatanggap.

Sumali din si Lacnit sa karera at unang natapos sa Executive B category at ika-7 naman sa Executive A.

Si Glenn Aguilar, dating Asian Rider of the Year, ang siya pa ring nagdomina sa Pro Open category na pinangunahan din niya noong 6th Leg sa Brooke’s Point, Palawan.

Sumunod sa kanya sina Bornok Mangosong, Ambo Yapparcon, Jovie Saulog at Kimboy Pineda sa nasabing kategorya. 

Show comments