Energen-Pilipinas wagi sa Malaysia

BANTING City, Malay­sia - Hiniya ng Energen Pilipinas ang host Malaysia, 91-64 nitong Martes ng gabi at maningning na buksan ang kanilang kampanya sa first Southeast Asian Games Basketball Association Under-16 Cham­pionship sa Kuala Langat gym dito.

Pinangunahan ni Arvin Tolentino ang Nationals sa kanyang tinapos na 16 puntos at pitong rebounds.

Agad na iniwanan ng Filiponos ang Malaysians, 38-18 sa kaagahan ng la­­banan, pero gumamit ang host team ng full-court pres­sing defense na na­ging daan upang maibaba ang kalamangan ng Nationals sa 48-36 sa third period.

Pero agad ding nakabalik ang Nationals ng ilista ang 71-49 abante tungo sa kanilang panalo.

Sa isa pang laro, tinalo ng Indonesia ang Singapore, 101-68.

Show comments