CHINESE TAIPEI -- Matapos ang dalawang sunod na panalo, nabigo naman ang Smart Gilas Pilipinas sa Jordan, 72-76, sa William Jones Cup dito sa Hsinchuang Stadium sa New Taipei City.
Nagmula ang Nationals sa malalaking tagumpay kontra defending back-to-back champion Iran at host Chinese-Taipei noong Sabado at Linggo.
Nagtala si Ali Jamal Zaghab ng team-high 17 points at 8 rebounds para sa Jordanians.
Nalimita naman si naturalized 6-foot-11 Marcus Douthit sa 10 points matapos magdomina sa dalawang laro.
Nagbanta namang mag-walkout si coach Rajko Toroman dahil sa masamang tawagan. Partikular na rito ay laban kay neutral referee Yuen Chun Yip ng Hong Kong.