Gilas sasagupa sa Jordan sa pagsisimula ng Jones Cup ngayon

MANILA, Philippines - New Taipei City, Chinese Taipei--Sisimulan ng Smart Gilas Pilipinas ang kanilang kampanya sa William Jones Cup laban sa Jordan ngayong alas-5 ng hapon dito sa Sinjhuang Stadium.

Tinalo na ng Nationals ang mga Jordanians sa apat sa kanilang huling li­mang pagtatagpo, kasama na ang tagumpay sa group stages ng nakaraang im­port-laden FIBA-Asia Cham­pions Cup sa Pasig City kung saan sila nakapa­sok sa semifinals.

Bukod sa Smart Gilas, naghahanda rin ang Jordan para sa FIBA-Asia Championship na naka­takda sa Setyembre 15-25 sa Wuhan, China kung saan isang tiket ang pag-aagawan para sa 2012 London Olympics.

“We have to respect them, they’re one of the stronger teams in Asia,” ani coach Rajko Toroman. “For me I thing they’re the third best team in Asia because they played in the last world championship in Turkey.”

Ipaparada ng Jordan sina naturalized Rasheim Wright, Sam Daghles at Zaid Abbas na pawang naglaro sa Russia at Ukraine.

Ang mga panalo ng Nationals laban sa mga Jordanians ay sa 2009 Dubai Invitational, 2010 Stankovic Cup sa Lebanon, sa finals ng invitational meet sa Manila at sa 2011 Champions Cup sa Pasig City.

Show comments