MANILA, Philippines - Dapat lamang na palaganapin ng Philippine Football Federation (PFF) ang pagkahumaling ng mga Filipino sa Philippine Azkals.
Ang pagtatayo ng mga football fields sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang lalo pang hahatak ng interes sa mga Pinoy.
At ang resulta nito ay ang pagdiskubre ng PFF sa mga potensyal na kapalit ng Azkals, ayon kay English-Filipino defender Rob Gier.
“We're gonna need players that gonna step into our shoes, it's important that we generate as many new playing football as possible, we gonna need find local guys out there,” ani Gier.
Nag-ingay ang Azkals noong 2010 nang talunin ang dating haring Vietnam sa quarterfinal round ng AFC Suzuki Cup bago yumukod sa Indonesia sa semifinals.
Tinapos naman ng Al-Azraq ng Kuwait ang kanilang two-leg series ng Azkals sa 5-1 aggregate mula sa kanilang 3-0 at 2-1 tagumpay sa second round ng 2014 FIFA World Cup Asian Qualifiers.
Bago matalo sa Al-Azraq, giniba muna ng Azkals ang Brave Reds ng Sri Lanka, 5-1, sa first round noong Hunyo.