ASTANA, Kazakhstan --Pipilitin ni light bantamweight Eumir Felix Marcial na masilo ang gold medal sa kanyang pakikipagharap kay Vaha Eduard ng Belarus sa semifinal round ng AIBA World Junior Boxing Championships dito sa Kazakhstan Sports Palace.
Nakatiyak ang 15-anyos na si Marcial ng bronze matapos igupo si Naraddin Mammadov ng Azerbaijan sa quarterfinals.
Sinabi ni head coach at three-time Olympian Romeo Brin na mas maganda ang inilaro ni Marcial kumpara sa kanyang 11-9 paggiba kay Henrik Hovannisyan ng Armenia.
Mula sa 3-3 pagkakatabla sa first round, dinomina ni Marcial ng Zamboanga si Mammadov patungo sa kanyang 14-9 tagumpay sa quarterfinals.
Nakalusot naman si Eduard kay Kramou Chemseddine, 19-19, para makasagupa si Marcial sa semis.