MANILA, Philippines - Sa bawat isport ay may sumisikat na bituin na matatawag na ring ambassador. Sa bowling, si Paeng Nepomuceno. Sa bilyar, si Efren Bata Reyes. Sa boksing, si Manny Pacquiao.
Sa larangan ng fencing, matagal na rin ang panahong lumipas sa paghahanap at paghihintay sa kampeon. Ngunit, marahil ay panahon nang muli upang buhayin ang kapana-panabik na aerobic at tactical sport na ito.
Idaraos sa Setyembre 3 ang DPS-VBF All-Rookie Fiery Fun Fest sa pangunguna ng Vicious Brainiac Fencing (VBF), isang fencing gear company na pinatatakbo ng mga lokal na tagasuporta ng laro. Ito ay gagawin sa indoor gym ng Diliman Preparatory School mula alas-9 ng umaga hanggang 4:30 ng hapon.
Ang “mini-tournament” ay para lamang sa mga fencing rookies o iyong mga isang taon pa lamang naglalaro ng fencing. Ang friendly competition na ito ay naglala- yong ma-engganyo ang mga baguhang manlalaro na ipagpatuloy ang isport sa pamamagitan ng masaya, walang pressure na torneo kung saan mahahasa ang kanilang husay.
Isa ring highlight ng kompetisyon ang fencing demos kung saan makikita ng mga mag-aaral ng DPS ang kagandahan ng isport.
Siguradong naghihintay lamang ng tamang pagkakataon ang magiging bayani ng fencing upang ipakita ang kanyang galing. Hindi natin alam, baka tulad ng magkapatid na Younghusband ng Azkals, may higit pa sa isang maging bituin ng fencing.