MANILA, Philippines - Mula sa kanyang 10th round win kay International Master Yves Ranola, nakipag-draw naman si Grand Master Wesley So kay GM Mark Paragua para hawakan ang liderato, habang tinalo ni GM Eugene Torre si GM candidate Richard Bitoon sa isang endgame duel sa11th round ng National Championship sa NPC.
Matapos ang magkakasunod na draws, umiskor naman ng panalo si So kay Ranola bago nakipaghati ng puntos kay Paragua sa 32 moves ng isang Sicilain encounter para sa kanyang 8.0 points.
Nasa ilalim ng 17-anyos na si So sina Torre (7.0) at GM-candidate Oliver Barbosa (7.0).
Iginupo naman ng 59-anyos na si Torre si Bitoon buhat sa 69 moves ng kanilang Queen's Pawn London System showdown.
Nakipag-draw naman si Barbosa kay GM Darwin Laylo sa 31 moves ng isang Queen's Gambit Accepted.
May 4.0 points si Bitoon kagaya nina Laylo at GM Joey Antonio, nakipag-draw kay IM Jan Emmanel Garcia sa 59 moves.