So lalong kumapit sa liderato

MANILA, Philippines - Bagamat nakuntento sa dalawang dikit na tabla, napanatili pa rin ni Grandmaster Wesley So ang pag­hawak sa solong liderato kasabay ng pagpu­pumiglas ni GM Eugene Torre matapos magposte ng panalo at manatili ring nasa kontensyon sa pagta­tapos ng sixth round ng National Chess Championships sa NPC Auditorium.

Nakipag-draw ang 17-an­yos kina Internatio­nal Masters Rolando Nolte at Jan Emmanuel Garcia para sa kanyang 4 na dikit na panalo at makaipon ng 5 puntos.

Ipinalasap naman ni Torre ang unang kabiguan ni Garcia sa tournament makaraang igupo ito sa 62-moves ng English duel.

Bunga ng panalo, naka­likom na si Torre ng 4 puntos, may kalahating puntos na layo mula kay GM Darwin Laylo matapos mauwi sa tabla ang kanilang laban ng kapwa GM na si Rolando Salvador sa 31-move French encounter.

Show comments