MANILA, Philippines - Ipinagpatuloy nina WPA World No. 1 Dennis Orcollo, defending tournament champion Jundel Mazon at Carlo Biado ang kanilang ratsada sa double elimination rounds ng 2011 Guinness World Series of Pool 10-Ball Challenge nang makapasok sa knockout stages.
Tinalo ni Orcollo si Canadian Adam Smith, 6-2, sa winner’s bracket, habang binigo ni Mazon si Indonesian rival Rico Herman, 6-0, at iginupo ni Biado si German star Thorsten Hohmann, 6-5.
Mula sa 2-2 pagkakatabla sa fourth rack, kinuha ni Orcollo ang 3-2 abante bago tumbukin ang dalawang sunod na panalo buhat sa mga mintis ni Smith upang tapusin ang kanilang race-to-6 contest patungo sa round of 32.
“In this race-to-6 stage, it’s important that you start the match well. Any mistake can easily lead to a loss because it’s such a short game and the players competing are so talented,” ani Orcollo matapos ang laro.
Idinagdag pa ng Filipino cue master na kuntento na siya sa kanyang inilalaro sa torneo.