MANILA, Philippines - Tinalo ni Mercito ‘No Mercy’ Gesta si Jorge Pimentel ng Mexico via third-round TKO sa kanilang non-title lighgtweight fight kahapon sa Home Depot Center sa Carson, California.
Tatlong ulit pinabagsak ni Gesta, isinilang sa Mandaue City, Cebu at kasalukuyang nakabase sa San Diego, California, USA, si Pimentel bago itinigil ni referee Raul Caiz, Jr. ang nasabing laban sa 2:23 ng third round.
May 22-0-0 win-loss-draw record ngayon ang 23-anyos na si Gesta kasama ang 12 KOs kum- para sa 23-12-0 (17 KOs) slate ng 31-anyos na si Pimentel.
Si WBA lightweight champion Brandon Rios (28-0-1, 20 KOs) ang ina- asahang susunod na haharapin ni Gesta.
Nagtala si Rios ng isang third-round TKO kay challenger Urbano Antillon (28-3, 20 KOs) sa main event.
“I said before the fight would come down to the guy who could take the punch best,” sabi ni Rios matapos ang kanyang panalo kay Antillon. “I was that guy. I’m stronger and younger.”
Sina Gesta at Rios ay parehong nasa Top Rank Promotions ni Bob Arum.