Dapudong bagsak kay Marquez

MANILA, Philippines - Nabigo si Filipino challenger Edrin ‘The Sting’ Dapudong na agawin kay Mexican Hernan ‘Tyson’ Marquez ang suot nitong WBA flyweight crown nang makatikim ng isang se­cond-round KO sa Centro de Usos Multiples sa Hermosillo, Sonora, Mexico.

Itinigil ni US-based Mexican referee Raul Caiz ang laban nang bumagsak si Dapudong sa third round sa kanilang 12-round title fight ni Marquez.

Isang left straight ni Marquez ang dumapo sa kanang mukha ni Dapudong.

Nagbigay si Caiz ng isang mandatory eight count sa 25-anyos na si Dapudong bago tuluyang ihinto ang naturang laban.

May 31-2-0 win-loss-draw ring record ngayon si Marquez kasama ang 24 KOs kumpara sa 22-4-0 (13 KOs) ni Dapudong.

Show comments