Patrombon umiskor kay Lenz

MANILA, Philippines - Nakuha rin ni Jeson Pat­­rombon ang mailap na pa­nalo sa Grandslam event na­ng mangibabaw kay Ju­lian Lenz ng Germany sa opening round ng boy’s singles sa Wimbledon Juniors sa Great Britain.

Nailabas ng 18-anyos na Filipino netter ang tapang nang bumangon ito sa first set na kabiguan tungo sa 2-6, 6-4, 6-4 marathon win kay Lenz.

Mas malaki si Lenz na ranked No. 42 sa mundo, sa kanyang 6-foot-3 height pero nabalewala ito nang sabayan ni Patrombon ang malalakas na serve ng Ger­man netter gamit ang agresibong paglalaro.

Nakuha ni Patrombon ang momentum sa laro sa second set nang ma-break ang kalaban sa seventh game para makalapit sa 4-3.

Mula rito ay tumibay na ang laro ng tubong Iligan netter at nakuha ang set para mangailangan ng deciding set.

Tuluyang nasira ang laro ni Lenz sa first game ng third set nang makahulagpos ang 40-love iskor pabor sa kanya. Naglaho ang naunang may kumpiyansang serve game ni Lenz para tuluyang mapatalsik sa laban.

Show comments