Insentibo ng 21 coaches ibinigay na ng PSC-PAGCOR

MANILA, Philippines - Umabot sa 21 dati at ka­salukuyang national coaches ang tumanggap ng kanilang insentibo base sa RA 9064 o Incentives Act.

Pumalo sa 12 coaches mula sa bowling ang na­ngu­na sa pinarangalan sa seremonyang ginanap sa PSC athletes dining hall at pinamunuan nina PSC chairman Ricardo Garcia, PAGCOR president at COO Jorge Sarmiento at POC president Jose Cojuangco Jr.

Ang nasirang si Alfonso Dela Rosa Sr. na siyang coach ng asawang si Julie­ta Dela Rosa na nanalo ng kabuuang apat na ginto, tatlong pilak at isang bronze medals sa 1978 Asian Ga­mes, 1979 World FIQ sa Manila at 1983 World Championships, ang may pinakamalaking tinanggap na P1,883,333.32.

Wala ng pareho sina Alfonso at Lita kaya’t mabibiyayaan ang mga anak at apo ng mag-asawa.

Umabot sa P9,524,­999.98 ang kabuuang ha­laga ng insentibong ibinigay kahapon at ikalawang pag­kakataon ito na may na­biyayaang mga national coaches.             

“Last year ay may i­lang boxing coaches ang nabigyan na. Matagal na naming ipinalabas kung paano ang gagawin para maikonsider sa incentives pero kaunti lamang ang gumagalaw. Sa end of July ay kukumpletuhin namin ang third batch at sana ay kumilos na sila dahil ilang billiards coaches ang nasa listahan pa lamang,” wika ni Garcia.

Mga coaches ng meda­list ng Asian Games, World Championships at Olympics mula 1978 hanggang 1992 ang nakasama sa ta­­laan at ang iba pang na­­pabilang ay sina Ernesto “Toti” Lopa (P1,645,833.33), Senador Vicente Sotto (P1,533,333.32), Oli­ver Ongtawco (P306,250.00), Delfin Garcia (P206,­250.00), Angel Nepomuceno (P745,833.330, Jaime Hizon (P708,333.34), Lolita Reformado (P83,333.34), Johnson Cheng (P350,­000), Vicente Valdez (P112,­500.00), Bonifacio Solis (P62,500.00), at Nicanor Cerdena (P375,000.00) sa bowling; Ricardo Fortaleza (P62,500.00) at Jacinto Diaz (P62,500.00) sa boxing; Francisco “Tatang” De Vega (P437,500.00), George Noel “Jojo” Posadas (P50,000.00), Claro Pellosis (P187,500.00), at Marcelo Langurayan (P137,500.00) sa athle­tics; at sina Jesus Morales III (P50,000.00), Victor Manuel Veneracion (P150,000.00) at Dr. Manolo Gabriel (P375,000.00) sa taekwondo.

Show comments