Manila, Philippines - Pagkakaroon uli ng foreign coaches sa taolo at sanshou ang nagbibigay tiwala sa Wushu Federation Philippines (WFP) sa asam na mabungang kampanya sa 26th SEA Games sa Nobyembre 11 hanggang 25 sa Indonesia.
Si Mark Eddiva ay kum-binsido na mananalo siya ng ginto sa pagkakataong ito dahil sa sanshou matapos magbigay lamang ng bronze medal noong 2009 sa Laos.
“Sa Laos ay wala talaga kaming foreign coach. Pero this time, naibalik na ang mga Chinese coaches at hindi lamang sa sanshou kungdi pati sa taolo ay mayroong foreign coach na uli ang wushu,” pahayag ni Eddiva.
Sa 65-kilogram division siya kakampanya at bukod sa foreign coaches ay sasalang din ang sanshou team sa dalawang buwang pagsasanay sa Taijuan, China.
May mga exposures din ang WFP dahil bago ang SEA Games ay ilalaban din ang kanilang atleta sa Asian Championships sa Shanghai, China sa Agosto, at sa World Championships sa Ankara, Turkey sa Oktubre.