QC vs Taguig sa 2nd Coca-Cola Hoopla Finals

MANILA, Philippines - HindiI napigil ng depensa ng Antipolo ang mainit na paglalaro ni Joshua Morris Mayor upang kunin ng bi­sitang Taguig ang 83-77 tagumpay sa sudden death ng 2nd Coca Cola Hoopla NCR Championship nitong Miyerkules sa Ynares Center sa Antipolo.

Tumapos si Mayor tag­lay ang 27 puntos, 6 rebounds at 4 assists at siyang nanguna sa ginawang pagbangon ng Taguig mula sa 3-18 at 13-25 pagkakalubog sa first period para kunin ang karapatang labanan ang Quezon City sa titulo ng liga.

Best-of-three ang Finals at ang Game One ay gagawin ngayong gabi sa Hagonoy Gym sa Taguig.

“Sinabi ko sa kanila na huwag intindihiin ang crowd. Nanibago sa simula dahil ngayon lamang sila naglaro sa Ynares,” wika ni Taguig coach Mixson Ramos.

Hindi naman dehado sa manonood ang Taguig dahil may 10 vans na nagsakay ng supporters ng koponan ang suportang ibinigay ni Taguig Mayor Lani Cayetano.

“Gusto talaga naming maglaro sa Finals kaya ta­lagang todo na ang ibi­nigay namin dito,” wika ni Mayor na naghahatid ng 17 puntos kada laban bago ang mahalagang sagupaan na ito.

Nasayang naman ang 25 puntos ni Paul Baliton para sa Antipolo na nawalang-saysay ang hawak na twice to beat advantage nang matalo sila ng dalawang sunod ng Taguig.

Madedehado naman ang Taguig sa finals dahil ang QC na suportado ni Vice Mayor Joy Belmonte ay umiskor ng 109-71 pa­nalo sa kanilang naunang pagtutuos noong Hunyo 2.

Show comments