Azkals line-up vs Sri Lanka, inihayag na

MANILA, Philippines - Bago umalis patungong Duren, Germany para sa ka­nilang training camp, ini­labas na ng Philippine Football Federation (PFF) ang listahan ng Philippine Azkals na lalaban sa Sri Lanka Red Braves para sa two-leg series ng 2014 FIFA World Cup Qualifiers.

Nangunguna sa grupo ang magkapatid na Phil at James Younghusband, team captain Aly Boromeo, Neil Etheridge, Angel Aldeguer Guirado, Jerry Lucena, Robert Gier, Anton Del Rosario, Jason Sabio, Ian Araneta at Chief­fy Caligdong.

Ang iba pang nasa 23-man line up ng Azkals ay sina Manuel Ott, Ray Jons­son, Stephan Schrock, Roel Gener, Nestorio Margarse, Edward Sacapano, Misagh Bahadoran, James Rochlitz, Nathaniel Burkey, Ricardo Becite, Paul Mulders at Dennis Cagara.

Ang 23 football players ay pinili ng PFF at ni german coach Michael Weiss sa ilang linggong tryouts sa Alabang Country Club at sa Rizal Memorial Football Stadium.

Ang first leg ng kanilang World Cup qualifier ng Red Brave ay nakatakda sa Hunyo 29 sa Colombo, Sri Lanka, habang ang second leg ay gagawin sa Hulyo 3 sa Rizal Memorial Football Stadium.

Mula sa kanilang trai­ning camp sa Duren, Germany ay didiretso ang Azkals sa Colombo para sa kanilang first l Ang 2014 FIFA World Cup ay idaraos sa Brazil.

Kasalukuyang ranked No.156 ang Azkals ng listahan ng FIFA.

Show comments