Cebuana kontra PC Gilmore sa semis ng D-League

MANILA, Philippines -  Makikilatis ang tunay na kalidad ng mga koponang nakapagdomina sa classification round sa pagsambulat ngayon ng PBA D-League Foundation Cup semifinals sa Yñares Sports Arena sa Pasig City.

Ang Cebuana Lhuillier na nanguna sa Group B ay babangga sa PC Gilmore sa ganap na alas-2 ng hapon bago sundan ng pagtutuos ng Group A leader NLEX at Max! Bond Super Glue sa alas-4 kung saan ang mananalo ay aabante sa best-of-three championship series.

Paborito man ang Gems at Road Warriors ay hindi naman nagkukumpiyansa ang kasapi ng koponan lalo nga't hindi naman pipitsugin ang mga makakatapat.

Ang Wizards ang na­ging ‘dark horse’ nang makarating sa Final Four kahit binubuo ng mga collegiate players na sina Carlo Lastimosa, Allan Mangahas at Jeff Vidal. (ATAN)

Show comments