Maagang selebrasyon pinabulaanan nina Wade, James

MIAMI — Maaga nga ba ang naging pagdiriwang ni­na LeBron James at Dwya­ne Wade at ng Miami Heat matapos magtayo ng isang 15-point lead sa fourth quarter sa Game 2?

Mula sa naturang 15-point deficit, bumangon ang Dallas Mavericks patungo sa 95-93 panalo na nagtabla sa kanilang NBA finals series sa 1-1.

Pinabulaanan ng Heat na agad silang nagdiwang nang isalpak ni Wade ang isang 3-pointer sa harap ng Mavericks bench para sa kanilang 88-73 lamang sa 7:14 ng laro.

“A celebration is confetti, champagne bottles,” wika ni Wade. “There was no celeb­ration. It was a shot made going into a timeout. Every team does something.”

“As far as celebration, that word has been used with us all year. But we knew how much time was left in the game still,” wika naman ni James.

Naimintis ng Heat ang kanilang siyam na tira, habang kumonekta ang Mave­ricks sa siyam sa kanilang huling 10 tirada.

Show comments