Mavs tumabla sa 1-1

MIAMI--Hindi pinansin ni Dirk Nowitzki ang kanyang non-shooting hand injury upang ibigay sa Dallas Mavericks ang 95-93 panalo kontra Miami Heat sa Game 2 at itabla ang kanilang NBA Finals series sa 1-1.

Isinalpak ni Nowitzki ang isang tie-breaking layup sa huling 3.6 segundo para kumpletuhin ng Mavericks ang kanilang pagbangon mula sa isang 15-points deficit sa fourth quarter.

“You can just sense it in us that we weren’t going to give up, we were going to be resilient,” wika ni Dallas guard Jason Terry.

Si Nowitzki ang umiskor ng huling 9 points ng Dallas kasama rito ang kanyang dalawang left-handed layups sa kabila ng isang torn tendon sa kanyang git­nang daliri.

Tumapos pa rin siya na may 24 points.

“Definitely a huge comeback for us and we never gave up, and that was big,” sabi ni Nowitzki.

Nasaktan ang nasabing daliri ni Nowitzki sa Game 1 nang tapikin ang bola sa mula sa kamay ni Chris Bosh.

Umiskor naman si Dwyane Wade ng 36 points para sa Miami, ngunit ang kanyang desperadong 3-pointer ay tumalbog sa pagtunog ng final buzzer.

Nakatakda ang Game 3 sa Dallas sa Linggo.

Kinuha ng Heat ang 88-73 lamang sa 7:15 ng laro bago nalimita ng Mavericks sa isang field goal at isang 3-pointer ni Mario Chalmers sa 24.5 segundo na nagtabla sa laro sa 93-93 matapos ang tres ni Nowitzki.

Show comments