Devance dinala ng Air21 sa B-Meg

MANILA, Philippines - Mula sa Air21 hanggang sa B-Meg Der­by Ace.

Ito ang magiging kapalaran ni da­ting Alaska power forward Joe Devance ma­tapos dalhin ng Express sa Llamados ka­­palit nina KG Canaleta at Jondan Sal­­vador.

Ngunit kagaya ng mga nakaraang trade, kailangan pa itong aprubahan ni PBA Commissioner Chito Salud na naunang pumayag sa trade ng Alaska at Air21 para sa 6-foot-7 na si Devance ka­palit ni 6’8 Jay-R Reyes.

Sakaling matuloy ang nasabing trade deal ng Express at Llamados, sinasabing ibibigay ng Air21 ang 6’5 na si Canaleta sa Barangay Ginebra.

Samantala, hinugot naman ng Me­ralco si dating Derby Ace guard Chris Timberlake buhat sa free-agent pool para sa puwestong naiwan ni point guard Chris Ross na halos anim na buwan ang ipapahinga dahil sa kanyang ACL (anterior cruciate ligament) injury.

Ang 5’10 na si Timberlake ay pina­ka­walan na ng Llamados sa free agent market.

Nagbigay naman ng letter of apology si Gin King Mark Caguioa dahil sa hindi niya pagsama sa 2011 PBA All-Star Week sa Boracay.

Sa kanyang sulat sa PBA Commissio­ner’s Office, sinabi ni Caguioa na kinaila­ngan niyang samahan ang kanyang ama sa isang medical procedure sa United States.

Tinanggap naman ni Salud ang paliwanag ng Ginebra superstar.

Show comments